top of page
MGA MUNGKAHING SOLUSYON
Makakatulong tayo sa ating mga kababayan kahit na tayo ay karaniwang tao lamang sa dalawang paraan.



guhit gawa ni SkyClick galing sa www.flaticon.com
Pangalawa, sa pagbibigay ng materyal na donasyon sa mga organisasyon na diretsong tumutulong sa mga Lumad katulad ng “Save Our Schools” at “Katutubo.” Maari itong gawin bilang indibidwal o bilang grupo sa pamamagitan ng “relief drive” kung saan makakapangalap ng maraming donasyon galing sa isang komunidad katulad ng paaralan.



Una, sa papalaganap ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng mga Lumad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng artikulo galing sa mga makakatiwalaang sanggunian katulad ng Inquirer at Philstar sa iba’t ibang ‘social media platforms.’ Maari rin kayong gumawa ng iyong sariling artikulo, ‘infographic’, at iba pang uri ng media kung saan madaling magbahagi ng impormasyon para mas maraming Pilipino ay maaabot at makakaalam tungkol sa kawalan ng hustisya na nararanasan ng mga Lumad araw-araw.

guhit gawa ni Smashicons galing sa www.flaticons.com

bottom of page